Day 2 - Burot Beach
Hindi ko alam kung paano nahanap ni Mich yung ganitong kagandahang lugar. Maganda na, mura pa! Medyo malayo nga lang sa Quezon City. Pero beach kasi to, kaya given na malayo talaga. HAHA. Ang labo ko.
Matatagpuan ang BUROT beach sa Calatagan, Batangas. Two rides lang ‘to from Pasay. Sakay ka lang ng Bus na papuntang Calatagan tapos baba ka sa terminal. Then sakay ng tricycle. Rekta na agad sa beach. Habang papunta sa beach, magtataka ka kung meron ba talagang beach kasi sobrang walang tao sa daan. Maalikabok pa. White na nga yung sand eh. So, kala ko, beach na yun. Syempre joke lang kasi wala pa yung dagat. HAHA. Pero parang sa daan, kami lang yung tao. Wala kaming nakakasalubong na sasakyan. Pero pagdating namin sa beach, nagulat kami. Ang dami palang tao.
Intro ko lang yan. HAHA. Eto na talaga.
Ang first plan ng grupo ay pagkatapos ng Trekking, didiretso na kami agad sa beach. Eh kaso medyo hindi swak yung location ng Mt Manabu papunta sa Burot Beach. Kaya medyo nagka-aberya. Medyo late na rin kasi kami natapos sa trekking. Kung makapagpahinga kasi kami wagas eh. HAHA. After trekking, nagutom na kami. Buti na lang may alam si Kuya Eli na may masarap na lomi.
Sakay ulit ng tricycle papunta sa lomi-han. Kaso hindi pa kami nakakababa, may humarang na sa aming lalaki. Akala ko naman, traffic enforcer na hinuhuli yung tricycle driver kasi baka mali yung pinagbababaan niya samin. Hindi pala. Driver pala siya ng Van. tinanong niya kung san kami patungo. Sabi namin, Calatagan. Sabay sabi ng Driver, “Ay Malayo i-yon! Aba’y maraming bayan pa ang lalagpasan niyooo! (basahin ng with Batangueño accent)”. Akala namin, magiging okay tong usapan na to. “Aba’y dadaan pa kayo ng Lemery, Balayan, Nasugbu bago kayo makarating sa Calatagan. Rentahan niyo na lang yung Van ko, 2500 papunta dun. Kasi gabi na, mahihirapan na kayong sumakay.” sabi ng Driver.
2500 mula Lipa City hanggang Calatagan. Medyo namahalan kami. Kaya sinabi naming hindi pwede yung ganun. Kasi basta hindi ko na rin masyado maalala yun. Pero kung 2000 ang presyo siguro pinatulan namin yun. At dahil gutom na nga kami, inisnob na lang namin si kuya at kumain na kami ng Lomi. Buti na lang masarap yung Lomi. Wala kasing ganun dito sa QC, i mean, hindi ganun yung lomi dito. Masarap yung sa Batangas. Malapot. Mainit. At marami ring toppings.
Medyo nakakatawa si Shiela nung time na ‘to. Gutom na gutom na kasi siya. Tapos ang tagal iserve. Hindi siya nagsasalita. Kausapin man namin, deadma lang. Kaya nung naserve na yung mainit na lomi. Kain agad siya. Alam niyo yung nagsisimula pa lang kaming kumain, tapos yung kanya, nasa kalahati na.
Habang kumakain, hindi na nila malaman kung anong dapat gawin kasi gabi na. At hindi rin naman namin alam kung paano pumunta ng Calatagan. So si Ate Joan, nagtanong dun sa pinagbilhan niya ng Buko something. Tapos ayun, sabi nung kuya, punta raw kaming Lemery tapos may sakayan na raw dun papuntang Calatagan. Nagpunta na kami sa terminal sa may Robinson’s. Ayoko nang idetalye pa kung anong nangyari, pero basta medyo nagkatensyon nung time na ‘to. HAHA. Pero ako, wala lang. Kalma lang.
Medyo nawawalan na ng tsansa na makapunta kami sa Calatagan nung oras na yun kasi gabi na nga, kaya natulog na lang muna kami sa isang beach na hindi ko na maalala kung anong pangalan. At wala na rin naman akong gusto pang malaman yung pangalan ng beach na yun. Kasi natulog lang naman talaga kami doon.
Maaga kami ginising ni Ate Mich kinabukasan para pumunta na nga sa Calatagan kasi nga gustong gusto talaga naming pumunta dun, kasi nandun na rin naman kami, wag na naming palagpasin diba? Tinulungan kami ni Kuyang Guard na taga don sa beach na yun, at siya ang kauna-unahang good samaritan na nakasalamuha namin. Hinatid niya kami sa may sakayan at hinintay niya kaming makasakay ng Bus papuntang Nasugbu. Pagbaba sa bus, jeep naman ang sinakyan papuntang Calatagan. Medyo malapit na nga kami sa finish line kaya sobrang naeexcite na kami.
Nakakainis nga eh. Kasi ang layo pala ng Nasugbu hanggang Calatagan. Kasi 38 pesos yung pamasahe. Mga isang oras na byahe minus traffic. Tapos ayun, nakarating na kami sa Calatagan, pagkababa namin, may tricycle na agad eh. Bumili muna kami ng pang-lunch tapos sumakay na kami sa Tricycle.
Nakakatakot yung daan papunta dun sa Burot. Ang alikabok. Tapos wala kaming nakasalubong na sasakyan. Kaya napaisip kami na baka kami lang yung tao dun kasi nga wala man lang kaming nakasalubong kahit isang sasakyan man lang. Medyo naexcite na nga ako nito eh. Kasi may white sand na sa daan. HAHA. Pero wala pa yung dagat. Ang tagal kasi ng byahe. Mga 30 minutes din siguro yun.
Pagdating sa Burot, OMG! Ang ganda!
Bongga lang diba? 60php nga lang pala yung entrance fee. Pero kung mag-oovernight, 120php. Pwede na. Pwede na pang relax ‘to. Saraaaaaaaap! Pagdating namin, picture picture din syempre. Tapos ayun na nga. Kung ano-ano nang pinaggaga-gawa namin. Starfishing, matulog sa sand, lumangoy at gumawa ng sand castle.
Tapos syempre, inabangan namin yung sunset. HIHI. First time kong makita ng full view ang sunset by the bay. Ganun pala yung feeling nun, parang lahat ng problema mo sa mundo mawawala. At iba pala talaga pag nakikita mo yung sunset in real life. Hindi yung sa pictures lang. Yung sa pictures kasi, maganda talaga. Pero kapag ikaw mismo yung nakakakita parang may something na hindi mo ma-explain dahil mas maganda pa yun sa inaasahan mo.
Alam ko maganda. HAHA! Pero mas maganda in person ‘to!
Ako nga pala yung epal sa likod! HAHA!
At ang baliw lang ng mga pose ko dito!Pagkatapos ng superb sunset, natulog kami sa labas ng Tent. Ang sarap pala matulog sa buhangin. Tapos ang ganda rin ng view sa taas kasi kita mo yung buong kalawakan. Ang daming stars at ang lamig pa. Pero saglit lang din yata kami nakatulog dun. Pumasok na rin kami sa loob ng Tent after 2 hours kasi nilalamok daw si Mich. Pero hindi ko naman naramdaman. Ang himbing nga ng tulog ko nun eh. HAHA
Masyadong sobra ang kwento mo maix! Grabeh?? kalahati agad? pwedeng Mabagal lng talaga kayo kumain at sadyang mabilis lng ako kumain?? HAHAHAHAHA :DD
Nice Story :))
Ang mamangka ay hindi biro :))
Lalo na kung feeling nyo ay naistranded kayo sa isang isla at sobrang lalim na dapat languyin upang makarating sa kabilang pangpang :D
HAHAHAHAHAHA.xD
Starfish :)))
SAYA :D
Sunset :))
HAHAHAHAHAHAHAHAHA.xD
Ang sweet lang namin :D
Masaya :)
3 days and 2 nights!
Dapat talaga ay 2 days at 1 night lang ang adventure namin, pero dahil sa mga bagay-bagay na hindi inaasahan ay naging 3 days at 2 nights ang aming bakasyon at sobrang sulit at saya.
Grabe iyong mga pinagdaanan namin bago namin nasabing sulit at sobrang saya ng adventure, HAHAHA! May mga nainis, napikon, nagalit, basta halo-halong emosyon, pero ang mahalaga, sa huli ay sobrang saya ng bawat isa sa amin.
Umakyat kami ng bundok, Mt. Manabu sa Batangas. First time ko iyon at nasabi ko sa sarili ko habang umaakyat ay LAST ko na iyon! HAHAHAHAHAHAHA.xD Grabeh iyong hingal at pagod paakayat! woooow talaga! Wala akong masabi habang umakyat, tamang trip lang kami nila maix kaya lagi kame iyon nahuhuli. 
Halos dalawang oras kaming umakyat, sobrang nanginginig na iyong mga tahod ko at parang ayaw na talaga nyang maglakad at tanging ang utak ko na lng talaga ang matatag, kungbaga mind over matter! HAHAHA.xD Kahit na gustong-gusto mo pang maglakad e ayaw na talaga ng katawan mo, sagad na! Kaya kahit paano ay nagpapahinga kame kahit 5 mins. HAHAHA.
Iyong inakyat naming bundok ay 2/9 iyong range nya sa difficulty, grabeh! TWO pa lang iyon….. paano pa kaya iyong 3,4,5?? HAHAHAHA. MADALI pa lang daw iyon?? HAHAHAHAHA. Tawa na lang ako, sabagay First time kasi halos lahat sa amin doon kaya kung makapagreklamo sa madali eh bongga! HAHA.xD Hindi ko maimagine paano pa kaya iyong iba? Ay ewan, ayoko na imaginin basta ako.. HIRAP talaga :D HAHA.xD maraming pagkakataon na muntik ako.. as ing muntik.. HAHAHA.xD buti na lng talaga :)) Haiyssss :D
Pero nung malapit na kame sa summit, grabeh iyong tuwa ko! HAHAHAHA.xD Konti na lng, abot na namin iyong pakay namin dun, ang makarating sa summit at matapos ang isa sa mga adventure namin :D
Summit na! HAHAHAHAHAHA.xD Haggard!! :))
Pero iyong view? as WOOW na lang iyong masasabi mo! Sobra :)) HAHAHA.xD Grabeh talaga :D Makikita mo iyong mga bahay sa ibaba, iyong mga pinagdaan mo. Woow, andun na talaga kame sa tuktok.

Tapos naisip ko, iyong pagakayat sa bundok ay parang pag-abot sa pangarap. Grabeh iyong mga dapat mong pagdaanan bago ka makarating sa tuktok, ang daming hadlang at maraming beses mo inisip habang paakayat ka na sumuko na lang kasi PAGOD ka na sobra. Sobrang totoo iyon, maraming beses kong iniisip na magpaiwan na lng sa station at balikan na lang ako kasi sobrang hirap talaga, eh dahil kasama ko naman sila at sayang rin ang pagkakataon iniisip ko na lang na KAYA ko! :)) malalagpasan ko rin iyong mga obstacles dun, HAHA.
At totoo, Sobrang sarap ng feeling kapag nasa tuktok ka na. Ang ganda tignan ng mga view, iyong mga pinagdaanan mo ay tinatawanan mo na lang. Ang SAYA sa itaas lahat ng pagod nawala. Ganun din siguro sa pangarap, ang saya kapag naabot mo na ito ng pinaghihirapan. WOOOOOW. IMBA lang :D HAHAhA.xD

Ayan na, ang pagbaba naman ang kailangan naming harapin. HAHAHAHA.xD pero ito ang sobrang enjoy gawin, HAHAHAHA.xD sa sobrang tarik ng bundok ay kailngan naming magpadulas pababa, hahahaa.xD MALI kasi iyong sapatos namin eh.. HAHAHA.xD Madali lang pababa at mabilis, medyo muntik pa kame maligaw kasi may nasundan kami na maling trail. HAHAHA.xD Ayun, nakaraos naman! MASAYA pero pagod, BEACH naman SUNOD :))
HAHAHAHAHA.xD
to be continued ………
Masyadong roller coaster ang mga emosyon ngayong araw na ito :)
Nakita/nakasama ko naman LAHAT sila, basta weird lang :)
Nakakatawang photoshoot ang nangyari kanina, feelingera kasi ako eh! Sakto at maayos rin ang suot.
Ang saya, kunware pre-debut photooshoot ko.Yehei! Naexperience ko rin :)
Thx to ALay :D
Happy Day :)
Sobrang halo-halo ang emosyon ngayong araw na ito pero nagtapos pa rin sa kasiyahan! :))
Nakakamiss talaga ang High School Friends! Waaaaaaaa… ><
Basta Masaya :D

Happy Birthday to me ;))
11/11/11
Ang saya lang ng araw na ito :))
AS IN!! TGIF =))
Laughtrip lang kasama sila :DD
techno mode :D pizza hut! :D
(Nakakahiya!! *clap*clap)
IMBA!! SARAP lang tumawa :)
Frisbee Buddies ;)
Ang SAYA lang talaga sobra!Ü
Dalawang team, tawanan, kuLitan, asaran, lahat na! Ang saya ng Bonding kasama siLa ;))
Kapagod ;) Tapos may nakita pa ako :) :) :) Ako na talaga ;)



Nextweek uLe TEAM !Ü
3-3 na :))
grabeh talagga tong si Etti >< wala syang MAGAWA sa buhay nyaaaaa c: ahahahahahaha GPOYW ko ginawang panawagan na NAWAWALA ako >< ai grabeh c: natatawa na lng akooo c:
IBAAAAA ka etti >< haha.xD
FOOD TRIP c:
- Lomi
- Graham
- Mangga w/ bagoong
- Isaw
- Kalamay
- Ice Cream
- Pork Chop
- Noodles
- Balut
waaaaaa.. >< SAYA c: ahahahaha.xD
SALAMAT !Ü
Page 1 of 2














